Ama na may apat na anak, patuloy na nag-aaral para sa mas malaking pangarap

Kung patuloy mang lumalaki ang kanyang pamilya, ganon nalang din kung lumaki ang kanyang mga pangarap.

Kaya naman ay higit na sinisigurado ni Ramilo Segundo na hindi niya papabayaan ang kanyang edukasyon upang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang sarili, maybahay, at mga anak.

“Bilang isang padre de pamilya, mahirap ang mamuhay lalo’t mababa lang ang antas ng aking pag-aaral. Hirap makahanap ng sapat na trabaho dahil sa ALS lang ang aking natapos,” ayon kay Ramilo.

Ang ALS o Alternative Learning System ay programa ng Department of Education na nagbibigay oportunidad sa mga kabataan at nakakatanda na hindi pa nakakatapos ng elementarya o high school na bumalik sa kanilang pag-aaral.

Ang mga graduates sa ALS elementary ay maaari nang dumiretso sa high school at ang mga graduates ng ALS high school ay maaari namang dumiretso sa vocational school o kaya naman ay mag senior high school upang makapag kolehiyo.

“Sa katunayan pilitin ko man mag-aral noon ay hindi sapat ang kinikita ng aking mga magulang hanggang sa nakapag-asawa ng maaga pero hindi parin ako sumuko sa hamon ng buhay bagkus gusto kong may mapatunayan sa lahat na hindi hadlang o basehan ang edad sa kagustuhan bumalik muli sa pag-aaral,” sabi ni Ramilo.

Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho si Ramilo bilang warehouse staff habang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Operations Management sa Manila Business College.

Kasabay nito ang pagiging hands-on niyang ama sa kanyang apat na anak, katuwang ang kanyang asawa, na nagtatrabaho bilang food attendant.

“Ang maadvice ko naman sa katulad kong mga magulang, ‘wag kayong panghinaan ng loob. Patuloy lang sa hamon ng buhay. Hanggat kaya niyo pang mag-aral at sapat naman para kayo makapag-aral, bumalik kayo dahil hindi sapat ang may yaman ka lang. Iba parin ang may edukasyong pinangagalagaan,” payo ni Ramilo.

“Huwag mahiya kung may edad ka man. Ang mahalaga ay may malawak tayong kaalaman sa buhay dahil sa ganitong paraan lamang natin maipagmamalaki ang ating mga sarili. Iba parin ang antas ng may edukasyon sa buhay.”

Si Ramilo Segundo ay scholar ng Target Fluent na naglalayon magbigay ng pormal at impormal na edukasyon sa pamamagitan ng scholarships at online training sa mga Filipino adults upang matamasa nila ang self-sufficiency at mapaghandaan ang sarili nilang kinabukasan at mas makapag-ambag sa lipunan.

Leave a comment

Hello!

Welcome to Target Fluent where we share stories and tips to foster learning among Filipino adults. We also organize trainings, seminars, and workshops to help build a community of Filipino adult learners.

Discover more from Target Fluent

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading